ganyan lang naman talaga kasi…
wala lang. what a day.
alam nyo ba yung bagong horror movie na “The Road”? wala lang. boring. medyo maganda kwento nya, boring lang. medyo nakakatanga lang din. hehe. siguro dahil dun sa pag-arte ng mga artista. yung tipong may nakita na silang mumu sa labas ng sasakyan, tapos lalabas pa. anu gang eng eng! haha. ayun. kung iRate ko ito 1-10, hmmmMm. 6 lang. sorry pero yun lang talaga ang maibibigay ko. mag Happy Feet na lang kayo. joke. kayo bahala. hahaha. enjoy! wala lang. what a day. selos ako sheet.
ano nangyayari?
wah. ramdam ko hindi na naman ako makakatulog. wala lang. wala ako sa mood para antukin. ewan ko. haha. shet. napaparanoid ako. ewan ko kung bakit. mapaglaro na naman ang isip ko. wah! HELP ME PLEASE! LORD!

hindi ako yan. ganyan lang ako mag-isip. haha. hay.
may mga oras na nalilito tayo. parang nawawala ka na sa landas.

saan na pupunta? matagal pa ang byahe. mahaba pa ang tatahaking mga daan. marami pang lubak na madadaanan. kakayanin pa ba? nakakatakot lang isipin itong mga tanong na ito.
i don’t know. yan ang sagot. mahirap manigurado.
minsan hindi nga din maiwasan yang mga ganyan bagay. pero kung ramdam mo talaga na kakayanin mo at may gusto kang patunayan, kakayanin mo to at gagawin mo talaga. ganyan ka-Powerful ang Love. if you do things with Love, nothing is impossible. God is Love.
SMILE! have faith! pray!
*ang dadrama ata ng mga blog ko…hahaha…XD
Until the End of Time
(ang Blog na ito ay tungkol sa nararamdaman ko ngayon)
MINSAN NAKAKA-INLOVE TALAGA LALO KAPAG SUPLADA ANG BABAE. hindi ba nagpaparamdam sayo/sa akin. hehe. hindi ko alam kung sobrang BUSY o TINATAMAD lang magtext. may ginagawa o baka ayaw niya akong katext?! OUCH! pero huwag naman sana. =(. nakakamiss lang ng sobra na parang mababaliw na ako. OA masyado. haha. maloloko na lang. ay parang ganun pa rin. hahahaha. BASTA! BASTA! gets niyo na yun! pero ewan ko. mamatay? AY GRABE NA YUN!! hindi naman siguro! haha. uber na! haha. OA ko masyado. haha. well, eh ganyan lang siguro ako. sorry na. haha. pagpasensyahan niyo na ako. tao lang. ikaw, tao ka din, so maiintindihan mo dapat ako. haha. kung hindi, ay xa baka …hindi ka pa naiinlove. yown! tao ka pa rin! congrats! akala mo iba na agad sasabihin ko noh porket hindi nakakaintindi. hahaha. chill. XD
so ayun. for short. may NAMIMISS AKO. suplada siya. joke! haha. minsan. hmmmMmmlalalalala. haha. pero hindi naman, alam ko busy yun. lagi.
try ko magCOVER ngayon. nang KANTA hindi notebook o libro. hahaha. at yun yung title nitong blog ko. alam mo yan? kilala mo si Justin Timberlake? kung kilala mo, good. ito ang piso, tayo magCelebrate! haha. fishball tayo. tig-isa. tipid tayo eh. haha.
ayun, tapos na po blog ko. simula ako cover ng kanta. try ko tapos cover ko. ako antok na mamaya. tulog na ta ta ta tao dididito. bye bye na Budoy!
Love for NO Reason…
warning: baka maging serious ang blog na to. ang mga magbabasa ng blog na ito ay kinakailangan ng patnubay ng isang nakatatanda. baka kasi hindi pa naiinLove. haha. maraming “mahal” ang maririnig sa blog na ito. itigil ang pagbabasa kung naiirita na. consult your doctor. please.
ok, para umpisahan ang blog na ito magkwento lang ako. kanina, nagpasched ako ng mga inAdd kong subjects. sheet of paper lang. kakalipat ko pa lang ng sched dun sa isang subject, ililipat ko na naman ulit. kailangan eh. naman oh! kailangan ko ng maging regular! at ngayon-ngayon lang din, had a conversation with my pinsan from canada through FB. he need advice daw. about sa isang girl na mahal niya. ayun, nagulat ako. bakit sa akin pa siya humingi ng advice? eh may issue din naman ako dun ngayon. haha. pero flattered din naman ako dahil sa akin pa siya ngtanong. pinsan eh. haha. XD. ayun. nagulat ako dahil halos mgkapareho kami ng sitwasyon. halos, not all. and nahirapan lang ako mg-advice dahil, siguro dahil pareho nga lang kami, and siguro kailangan ko din ng advice. hehe. at natatakot din ako makarinig ng advice. especially from close friends.
so ayun, i learned something sa school. sobrang simple lang. eto yun, when you say or ask “can i speak in tagalog?” kunyari sa class at nahihirapan ka magEnglish. mali daw yun. ang dapat daw ay “can i speak in Filipino?” ito ang tama. kasi ang Tagalog ay isang dialect lang. so ang blog kong ito ay Filipino. hehe.
so ayun ang kwento ko. haha.
eto na yung mismong blog. sana hindi pa kayo tinatamad magbasa. haha. XD.
may tanong ako. nagmahal ka na ba? nagmamahal ka ba ngayon? natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka nagmamahal? bakit mo siya mahal? kakayanin mo ba magmahal kung may magbago? kung hindi mo pa naitatanong sa sarili mo, tumigil ka ng magbasa dahil wala lang. hahaha. joke. ayun, itanong mo lang yan sa sarili mo. siguro ang una mong iisipin eh yung mga reason kung bakit nga nangyayari to noh? reason(to explain or justify action, decision, or conviction). kapag may nagtanong sa iyo na bakit mo siya mahal? marami ang sasagot na “dahil mabait siya, cute, caring, friendly, etc”. kalimitan sa atin yan ang isasagot. mga ugali ng mahal natin noh. we keep on saying things na sasagot sa mga tanong na yon pero, PAANO KUNG HINDI NA SIYA GANON? mahal mo pa rin ba siya? oy napaisip siya oh! hahaha. ayun. natanong ko lang sa sarili ko at aaminin ko napasagot din ako ng ganun. pero alam mo, sa pagsagot kong yon, parang hindi mo pa rin ma-explain kung bakit mo nga mahal yung isang tao. siguro ikaw din, mahirap talaga. may naalala lang ako at napaisip lang ako. kung mahal mo nga ang isang tao, kahit ano man ang mangyare oh magbago, mamahalin mo pa rin siya kahit anong mangyare. siguro yun na yung dahilan kung bakit hindi ko masagot ng ayos yung tanong na yun kung “bakit mo siya mahal?”. ang sagot lang dun, MAHAL KO SIYA DAHIL MAHAL KO SIYA!!! kung sabi ko dahil mabait siya, kung hindi na siya mabait, MAHAL KO PA RIN SIYA. kung hindi na siya maganda, MAHAL KO PA RIN SIYA. kung hindi na siya maputi, MAHAL KO PA RIN SIYA. ano pake mo eh MAHAL KO SIYA DAHIL MAHAL KO SIYA KUNG SINO SIYA!!! yun lang yun. masaya akong kasama siya. KASI MAHAL KO SIYA. at gagawin ko ang lahat dahil MAHAL KO SIYA. many questions, pero nag-iisa lang ang sagot para sa lahat ng yan, MAHAL KO SIYA DAHIL MAHAL KO SIYA! just the way you are! sabi nga ni bruno mars. haha. at gusto ko lang sabihin sa kanya na I LOVE YOU ng paulit-ulit at never ako magsisinungaling sa mga sinabi kong iyon. ewan ko kung bakit. siguro dahil nga MAHAL KO NGA SIYA! matext nga siya ng I LOVE YOU. hehe. =)))
dito nyo na lang isagot yung mga sagot na yon. “bakit mo siya naging crush?” yan. dyan dapat yung sagot na “cute, mabait, ek ek, etc”. iba ang crush sa love. walang binat-bat ang crush. haha. madaming iba pang magaganda, mababait, cute, friendly, etc dyan sa paligid. PERO IKAW LANG TALAGA ANG GUSTO KO!
“LOVE FOR NO REASON”.
Hindi Lang sa Politika may CORRUPTION, sa Jeep din meron.
this day, napansin ko lang. Bakit sa ilang jeepney drivers, hindi naman sa lahat ah. Haha. Yung sa iba lang. Bakit yung mga salitang “para!” at “bayad po!” ang dali nilang mapakinig. Pero kapag yung “manong yung sukli ko po?” medyo nabibingi na? Hahaha. Parang tipong gusto ka na niyang pababain sa jeep kaya yung “para!” lang ang narinig niya. Haha. At hindi pa dun ang napansin ko. Depende pa kung magkano ang binayad mo. Kunyari na lang kapag 20php, kapag nagtanong ka ng “manong yung sukli ko po?” siguro maximum na yung maka-tatlo ka ng tanong. Haha. At eto pa, bakit kapag palaki na ng palaki ang amount pabingi na din ng pabingi si manong driver?!?!?! Abay nakakahalata na ako! Haha. Siguro kapag 100php na yung bayad, malamang maka-limang tanong na kayo o ako nun bago mo pa makuha yung sukli. Haha. Yun lang ang napansin ko ah. And like what I’ve said, hindi naman lahat ng driver ganito. Siguro yung ilan lang na hamit sa pera. So ayun. May pahabol pa ako. Haha. May araw na nangyari na din ata ito sa akin, yung ako lang ang sakay tapos naka-uniform ako ng skul. Yung tipong kita ka na ng driver na naka-uniform at nasabi mo na sa driver na “bayad po, studyante po yan” tapos mamaya pagkakuha mo sa sukli parang normal fare pa rin. unFARE! At ang nakakatanga pa, kapag sinabi mo ulit sa driver na “manong studyante po yung sa 20php(o Kung magkano man ang bayad mo na kailangan ng sukli)” tapos pahumble at parang pang best actor pa ang pagsabi ni manong na “ah studyante ba?”. Ano ka ba manong, yung “bayad po!” napakinig mo pero yung “studyante po yan” hindi mo napakinig?! Hindi mo ba nakita suot ko?! Nasa harap nga pala ako nun. Grabe noh?! Wrong move manong dude! Ayun. That’s reality my friend. Kung may pagkakataon ang mga taong makapanglabis ng iba, gagawin talaga nila yun. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon. Kahit nga mayaman ginagawa pa rin yan kahit isang-damukal na ang pera nila. What more sa mga taong naghihirap at hirap sa hanap buhay? I’m not saying na kapag mahirap corrupt na agad, ang gusto ko lang sabihin ay ganyan talaga ang nangyayari sa tunay na buhay. Kailangan naman natin lahat ng pera eh. Kaya gagawin at gagawin nila ito. Wag lang tayong magpauto sa mga ganyang tao para matigil na din to. Diba? Hehe. Bakit naging serious ata ang blog ko? Lol. Hahaha. So ayun. That’s it! The End. *bow
Oi Biboy! Gumising ka nga! Buy what you really need, not what you just want.
Gustong-gusto ko talaga makapag-ipon. Wala lang. Gusto ko kasi makabili ng sasakyan. Haha. Tagal pa nun, sheet! Of paper. Katamad kasi magbyahe. Yung tipong maghihintay ka. Nakatayo ka lang sa sakayan, mainit, naulan, mausok, mangay, mabaho, maantot, etc. Mahirap nga kasi yung ganun, nakakasawang gawin araw-araw lalo na at studyante ako, walang service. Nung grade school hanggang high school lang kasi ako ng ganun. Haha. So ayun nga. Minsan may dadaang jeep puno naman ng pasahero, minsan wala namang dumadaan pero sa paligid ko naman puno ng pasahero, minsan may dadaan na jeep na walang laman tapos sasabihin lang sa mga sasakay “ay uuwi na ho ako! Sa ibang jeep na lang”. Abay manong, uuwi na rin naman ako ah, PASABAY NA NAMAN! Hahahaha. Ayun. Pero wala lang. Wag kayo malinlang sa kwento ko. Kwento lang yan, wala sa topic. May connection lang dyan. Hahaha. Dun kasi sa title na ” buy what you really need, not what you just want”
Mas mahalaga ang pangangailangan sa buhay, pero minsan nadadala lang talaga tayo sa mga ibang bagay na hindi naman talaga natin kailangan pero binibili pa rin natin to. Para kasi yang buhay natin, sa pamilya man o pag-ibig. Tulad ng pagkakaroon ng priorities sa buhay. Dapat gawin muna natin ang DAPAT, syaka na ang ibang priorities. Ayun, share ko lang yung isa sa mga natutunan at narealize ko nitong mga nagdaang araw. If you do things with LOVE, nothing is impossible. Kaya I can do this! All I need is support and understanding. Peace out!
Ang dami nakakapanghina.
sobrang dami nangyayari ngayon. as in sobra. nangyayari na to dati pero hindi itong sabay-sabay sila. may pangyayari sa ganto, tapos mamaya may pangyayari na sa ganyan. mararamdaman mo yang ganyan, tapos mamaya mararamdaman mo yung ganto. magkasabay lang talagang nangyayari ang “ganyan” at “ganto” ngayon. as in ngayon. this week? this day? this hour? eto na ata ang araw na i say na depressed ako or bored ng sobra. walang nangyare nangyare ngayon. talagang wala kahit sa school. para pa akong cellphone na nakasilent. nanginginig, parang nakavibrate mode. hindi ko alam kung bakit. parang sasabog na ako. haha. *deadz. jowk. nanginginig lang ako. “(*_*)”
sheeeEz. baka mg-collapse na ako sa comp. jowk. ngelep lang. bye! i’m ok naman. bye ulit!